Sumapit na naman ang gabi
di na naman ako
mapakali.
Umuwi na ang lahat
radyo sa
kotse ay di sapat.
Nakaakbay na naman
kaibigan kung lumbay ang pangalan.
Wala na namang bituin sa langit. 2x
Pinagmamasdan ang mga sasakyan, sabay ang buhos
ng malakas na ulan.
Ang kalsada'y
dumidilim
habang ang dibdib ko ay
sumisikip.
Unti-unti nang namamatay
ang ilaw. 2x
Di mapigilang humikab,
ang mata ko ay lumiliyab.
Wala na naman
akong kausap. Nalulungkot na ako. Nalulungkot na
talaga ako.