pinupulikat ang paa...namumungay ang mata
nalulungkot, nag-iisa, palaging iniisip ka
binabalot ng kulimlim ang tag-ulan sa aking
damdamin
dahan dahang binubura ang alaala ng pag tila ng
ulan sa umaga
hanapin sa ulan ang kaligayahang hindi mo
masilayan
sa mundo ng nakakapagpabagabag na katotohanan
(chorus:)
kung saan pabalik-balik ang pag-patak at hindi na
tumitila
kung saan humahalik sa pisngi ang pag tulo ng
luha
kung saan humahalakhak habang sinasampal ng
ambon
ang bubungan,dahil sa bawat pag-patak ng ulan,
ligaya ang nararamdaman.....
(refrain:)
huwag kang mangamba kung tinatakbuhan kana ng
pag-asa
babalik ito sayo na tulad ng pag-sikat ng bagong
umaga
pumanaw man ang tag-araw,hindi ito magugunaw
sumabay kana sa pagtatampisaw
umulan nanaman pighati ay muling malilimot
magpapaalam na ang simangot
sa iyong mundong inilayo ng iba sa paraisong
hinahanap mo
muling balikan ang nakaraan
makikita sa ulan ang kaligayahang hindi
inaasahan
dahandahan mong masdan ang magaganap na paglisan
ng katotohanan