Sa pagmulat ng aking mata
ako'y ginising
ng ihip ng hangin
ang sikat ng araw
makulay
sa tabing ilog parang may
tumatawag
ako'y lumapit sa puno'y may
natatanaw
dumilim ang araw
bumigat
bigla ang aking dibdib
tibok ng puso'y
bumilis
ako'y hindi mapakali
ako'y
naduduwal
sa pagtitig ng kanyang mata
ako'y kanyang hinusgahan
ligaya kong
naramdaman
binawi sa akin
at hindi
ko maalala
kung saan galing ito
mga
bahid ng dugo
dumikit sa aking mga kuko
tumakbo lumayo sa lugar nato
lalamunan
ko'y tuyong-tuyo
tumatakbo lumalayo sa
titig mo
sa mata ng Diyos
biglang
umikot ang paningin
liwanag ng araw biglang
dilim
nalambing na ihip ng hangin
ngayon ay matalim
ako'y nawala sa aking
sarili
pati ang lupa'y gumanti
bato
bundok o puno man
sumisigaw sumisigaw
at ngayon ko nakikita
ang lahat ng
kasalanan
tinaboy sa ulan
init ng
kamunduhan
tumakbo lumayo sa lugar na to
lalamunan ko'y tuyong tuyo
tumakbo lumayo
at magtago
sa mata ng Diyos
inalok ako
ng mansanas
pula't matamis na mansanas
pilit ko man hindi makaiwas
sa mata ng
Diyos