Magara ang iyong damit
kumikinang ang
ngiti
nakakasilaw na kwintas
bulok
naman ang iyong budhi
ang araw mo'y
darating
ako naman ang gaganti
ako
naman ang mananakit
ako naman ang
aangkin
ako naman ang tulisan
amang
pumatol sa anak
kapatid sa kapatid
dugong humalo sa dugo
laman laban sa
patalim
may araw pa bang darating
sobrang pagpapanggap
sobrang
panlilinlang
tawaran sa palengke
buhay ay mura lang
pati tao'y
nabibili
sariwang babae
isang kilong
karne
may araw ring sa aking darating